"Hindi siya marunong tumanaw ng utang na loob..."
"Wala siyang utang na loob..."
Familiar ba? 'Yan yung usually na naririnig natin sa mga taong medyo imbyerna pag may nagawa silang pabor para sa ibang tao pero hindi ito nasuklian. Pero kung iisipin mong maigi, parang may mali ata?
"Debt of Gratitude". Para sa akin, isa ito sa utang na pinakamahirap bayaran kasi, para sa iba, pwedeng forever ito. #mayforever :p
Kung sa materyal na bagay sana, kaya itong mabayaran. May exact na halaga. Nangailangan ako ng 1k pambayad ng bill. Pinaheram mo ako. Utang na loob ko yung 1k na yun sa yo. Eventually, babayaran kita ng 1k. Quits na tayo.
Eh paano kung ganito ang scenario?
Nung bata tayo, naglalaro tayo sa may ilog (oo kunwari malinis pa ilog nun :p). Nagka-pulikat ako, malalim na area ng ilog, nalulunod ako, niligtas mo ako. Salamat. Utang na loob ko sa 'yo buhay ko. Fastforward to 20 years. Kunwari judge na ako. Kunwari binalik ang death penalty. Ang nahawakan kong kaso is murder. Sa lupit ng nagawa ng akusado, death penalty dapat ang pataw na kaparusahan. Nakita mo ako. Nagulat ako. Tatay mo pala ang akusado. Eh naalala ko yung ginawa mo dati. Pano na yan?
Paano mo nga ba naman babayaran ang "gratitude" di ba? Hindi naman pwede idaan sa simpleng "Thank You" lahat. Depende ba ang pagbayad sa level ng favor na ginawa ng isang tao? Paano kung life changing ang favor na yun? Forever ka bang tatanaw ng utang na loob? Paano kung wala ka nang maibigay? Bilang isang anak, hanggang saan ang "utang na loob" mo sa iyong magulang? Bilang magulang, masasabi mo ba sa anak mo na "may utang na loob ka sa akin" pag dumating ang panahon na nagkakalabuan na kayo? Kung ikaw ang kaibigan ng magulang na iyon, masasabi mo ba na "walang utang na loob yang anak mo".

Pero kung iisipin mo, di ba ang pagtulong sa kapwa ay "sa sariling kusa"? At pag sinabi mong "sa sariling kusa", wala kang ine-expect na kabayaran. So, saan nanggaling yung litanya na "wala kang utang na loob"?
Mabilis lang kasi sabihin na "wala akong ine-expect na kapalit" pero yan ba talaga ang panghahawakan mo? Pag tinitingnan mo ngayon ang anak mo, hindi ba talaga dumaan sa isip mo na "balang araw, siya na ang bubuhay sa kin"?
Para sa akin, ang "utang na loob" ay isang magandang bagay. Hindi mo kasi makakalimutan ang tao na gumawa ng pabor sa iyo. Maliit man ito o malaki, may naging epekto ito sa iyo. Pero kung maaari, wag sana mag-expect na mababayaran ang utang na loob. Kaya nagkaroon ng utang na loob ang isang tao ay dahil tinulungan mo siya. Sariling kusa ang pagtulong UNLESS may "something" sa pagtulong Na yun :)

No comments:
Post a Comment